^

Metro

NPA lider sa Bicol sumuko

-
Isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Bicol region ang sumuko kahapon kay Central Police District (CPD) director Victor Luga upang magbalik-loob na sa pamahalaan.

Si Salvador Golimlim alyas Ka Robert/Ka Doddie/Ka Lim, political leader ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa lalawigan ng Sorsogon ay sumuko sa pakikipag-ugnayan dito kay C/Insp. Anthony Rodolfo, District Police Intelligence Unit chief ng CPD, sa pamamagitan ng isang rebel returnee din na unang sumuko kay Quezon City Mayor Mel Mathay Jr. nitong Nob. 6.

Si Golimlim, na miyembro ng Bicol Regional Party committee ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay naglingkod bilang lider ng Squad Yunit Propaganda at Giyang Pampulitika sa Sorsogon mula noong 1992.

Inamin ni Golimlim na bilang lider ng NPA sa Bicol region ay nakapagsagawa siya ng mga ambushcades, pagsalakay sa mga military at police detachments at pagdukot sa itinuturing na kaaway ng rebolusyon.

Winika pa ng sumukong NPA commander, nagdesisyon siyang sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan dahil sa magulong takbo ng liderato sa communist movement ukol sa usaping pampulitika, pagkawala ng tiwala sa mga namumuno dito at ang mahigpit na kahilingan ng kanyang pamilya na magbalik-loob sa gobyerno at mamuhay nang payapa sa ilalim ng umiiral na demokrasya. (Ulat ni Rudy Andal)

ANTHONY RODOLFO

BICOL

BICOL REGIONAL PARTY

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

GIYANG PAMPULITIKA

KA DODDIE

KA LIM

KA ROBERT

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with