^

Metro

15-anyos na dalagita ginulpi ng mag-sister

-
Dahil sa pagtatalo kung sino ang maganda, pinagtulungang bugbugin at saksakin ng magkapatid ang isang 15-anyos na dalagita, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasa malubhang kalagayan sa Ospital ng Caloocan ang biktimang si Honey Amor San Miguel, 4th year high school at residente ng 358 Marulas A, Maypajo, ng nasabing lungsod.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na sina Rachelle Lantan, isang entertainer at ang nakakabata nitong kapatid na si Apple, 14, kapitbahay ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong 6:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng kanilang bahay.

Nabatid na bago ang insidente ay kapwa nasa kani-kanilang rooftop ng kanilang magkatapat na bahay ang biktima.

Nabatid na kasalukuyan namang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang mga bisitang kaibigan nang makarinig ito ng malakas na pagsasalita mula umano sa bahay ng mga suspek at sinabing tigilan nito ang kaartehan dahil mukha naman daw itong pagong.

Nagalit ang biktima at nagparinig din sa kanyang kapitbahay at sinabing mas maganda siya sa mga ito, hanggang sa magkapikunan na at magkahamunang magkita sa labas ng kanilang mga bahay.

Pagsapit sa labas ay agad na nagsabunutan sina Apple at Honey Amor na dahil sa mas malakas ang huli ay nagawa nitong makubabawan ang una.

Sa pagkakataong iyon ay lumabas rin ng bahay si Rachelle at tumulong na rin sa pananabunot sa biktima hanggang sa mahawakan ni Apple sa magkabilang kamay ang biktima at saksakin naman umano ito ni Rachelle. (Ulat ni Gemma Amargo)

BIKTIMA

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

HONEY AMOR

HONEY AMOR SAN MIGUEL

MARULAS A

NABATID

RACHELLE

RACHELLE LANTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with