^

Metro

16-anyos na babae tinikman ng ice cream vendor

-
Nasadlak sa kulungan ang isang ice cream vendor matapos nitong dalawang ulit na pagsamantalahan ang 16-anyos na anak-anakan, kamakalawa sa Las Piñas City.

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na nakilalang si Rodolfo Dalida, 48, may asawa, ng Blk. 10 Lot 12, Villa Pangarap, Bgy. Talon, ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Nanneth, ng Laong Compound, Pilar Village, Las Piñas City.

Base sa pahayag ng biktima sa pulisya, ang insidente ay naganap noong Nobyembre 16, 2000. Sinundo umano siya ng suspek sa kanyang tinutuluyan at isasama sa pinagtatrabahuhan nitong pabrika ng ice cream sa Bacoor, Cavite.

Sumama ang dalagita at hindi niya sukat akalaing dadalhin siya sa bahay nito sa nabanggit na lugar at dito isinagawa ang panghahalay.

Pagkatapos pa ng dalawang araw ay naglakas-loob na nagsumbong ang dalagita sa mga awtoridad at mabilis na nadakip ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BACOOR

BGY

CAVITE

LAONG COMPOUND

LAS PI

LORDETH BONILLA

NAHAHARAP

PILAR VILLAGE

RODOLFO DALIDA

VILLA PANGARAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with