^

Metro

Barangay tanod nabaril ng kabaro habang nanggugulpi, todas

-
Isang barangay tanod ang nasawi makaraang aksidenteng maputukan ng baril ng kanyang kasamahang tanod habang ginugulpi nila ang naarestong miyembro ng Bukas Kotse gang kamakalawa sa Tondo, Manila.

Ang nasawi ay nakilalang si Renato Garcia, 52, may-asawa, pintor, barangay tanod at residente ng Narra St., Tondo.

Ang insidente ay naganap dakong alas-2:45 ng hapon nang ang biktima kasama ang ilan pang barangay tanod ay nakaaresto ng isang miyembro ng bukas-kotse gang na nakilalang si Rodel del Rosario.

Habang dinadala sa barangay hall si del Rosario dumating ang ilang mga tanod at kanilang pagdiskitahang gulpihin ang una.

Kasunod nito ay isang malakas na putok ng baril ang narinig ng grupo kasabay ng pagtimbuwang ng biktima sanhi ng tama ng bala sa kanyang dibdib.

Nauna sa insidente isang L-300 van na pag-aari ni Susana Panalla ang puwersahang binuksan ng suspek na si del Rosario at kinuha nito ang bag na nasa loob ng sasakyan na may lamang perang P20,000 dito ay naaktuhan ng mga tanod.

Isasailalim sa paraffin test ang mga tanod upang mabatid kung sino ang may dala ng pumutok na baril sanhi ng pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BUKAS KOTSE

ELLEN FERNANDO

HABANG

ISANG

ISASAILALIM

KASUNOD

NARRA ST.

RENATO GARCIA

SUSANA PANALLA

TANOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with