^

Metro

Binata inaway ng nobya, nagbigti

-
Isang 24-anyos na lalaki na anak ng isang barangay chairman ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili matapos umanong awayin ng kanyang nobya dahil sa nakabuntis ito ng ibang babae kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa dibdib si Benjamin Conde, anak ni Bgy. Chairman Lily Conde na nagmamay-ari ng Sam’s Restaurant sa #89 Pio Valenzuela st., ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakitang nakikipagtalo ang biktima sa kasintahang nakilala lamang sa pangalang Joyce sa telepono hinggil sa umano’y nabalitaan ng huli na ang biktima ay may nabuntis na ibang babae.

Matapos ang mainitang pagtatalo ay nagkulong sa loob ng kanyang silid ang biktima at makaraan ang ilang sandali ay nakarinig na ng malakas na putok sa nasabing restaurant. Nang tunguhin ang silid ng biktima ay natagpuan itong nakahandusay. Isinugod ito sa nasabing pagamutan ngunit namatay makaraan ang isang oras. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BENJAMIN CONDE

BGY

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN LILY CONDE

GEMMA AMARGO

ISANG

ISINUGOD

LUMALABAS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

PIO VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with