Gas poisoning sa Pasig sisiyasatin ng DENR

Ipinag-utos na kahapon ni Environment and Natural Resources Secretary Antonio Cerilles ang malalimang imbestigasyon sa sinasabing kemikal na nakalason ng 66 katao at nakapatay sa isang ginang sa Pasig City.

Isang team ang ipinadala ni Cerilles sa naturang lugar para malaman kung saang kumpanya galing ang mabahong kemikal na bumiktima sa maraming residente sa naturang lungsod.

Kaugnay nito, sinabi ni Butch Dayrit, information officer ng DENR, bukod sa may-ari ng kumpanya na pinagmulan ng kemikal ay mananagot din sa batas ang local government sa naturang insidente dahil nag-operate ito nang walang kaukulang dokumento at Environmental Clearance Certificate mula sa DENR.

Sinasabing kahit galing lamang sa LGU ang papel ng kumpanya ay ilegal pa rin ang operasyon nito dahil wala itong kaukulang permiso sa DENR. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments