^

Metro

Pinagbintangang nagnakaw ng kawayan, binata sinalvage

-
Matapos pagbintangang nagnakaw ng kawayan sa isang palaisdaan, hinihinalang pinahirapan muna bago sinalvage ng limang lalaki ang isang binata na ang hubo’t hubad na bangkay ay natagpuang lulutang-lutang sa isang lawa sa bayan ng Taguig, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO2 Edwin Duka ng Homicide Section ng Taguig police ang biktimang si Joel Redega, 23, construction worker, ng #23 Aguinaldo cmpd., Baybreeze nasabing bayan na tinadtad ng bala sa katawan, bali ang kaliwang braso at busalsal ang nguso na tanda na pinahirapan ito.

Samantala kinilala ang umano’y utak ng krimen sa apelyido nitong Dionisio, nagmamay-ari ng ilang palaisdaan sa nasabing bayan, samantala ang tatlong kasama nito ay hindi pa nakilala.

Sa imbestigasyon ng pulisya base sa nakalap na impormasyon mula sa mga kaanak ng biktima at ilang nakasaksi sa pagdukot, nitong nakaraang Nobyembre 7 dakong alas-4 ng hapon sa harapan ng INP Resort, Bgy. Baybreeze ng dukutin ang biktima kasama ang dalawa pang kabataan, isa dito ay nakilala sa pangalang Ryan.

Puwersahang isinakay ang tatlo sa isang bangka subalit ang dalawa ay tumalon mula sa bangka at nakatakas kung saan naiwan ang biktima.

Makalipas ang anim na araw, dakong ala-una kamakalawa ng hapon ay natagpuan ang hubad na bangkay ni Redega na lulutang-lutang sa Laguna lake.

Isang follow-up investigation na ang isinasagawa ng pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BAYBREEZE

BGY

DIONISIO

EDWIN DUKA

HOMICIDE SECTION

ISANG

JOEL REDEGA

KINILALA

LORDETH BONILLA

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with