^

Metro

Pamangkin ni Asistio inireklamo ng pananakit

-
Ipinagharap ng kasong serious physical injuries, trespassing at illegal possession of firearms ng isang lalaki ang umano’y pamangkin ni Caloocan City Congressman Luis "Baby" Asistio.

Sa pahayag ng biktimang si Emilio Pascual Jr., ng Bankers Village, Congressional Ave. nasabing lungsod, halos isang linggo siyang nagpagaling sa Quezon City General Hospital sanhi ng tinamong pagkabasag ng mukha at mga pasa sa katawan.

Sa kanyang salaysay, dakong alas-12:30 ng madaling araw noong nakaraang Nobyembre 2 ng biglang pumasok sa kanilang compound ang suspek na si Antonio "Boy Tonton" Asistio Jr., na armado ng shotgun at umano’y sabog sa droga at may hinahanap na tao.

Sinabi ng biktima na hindi niya kilala ang hinahanap nito kaya’t siya ang pinagbalingan at sa harap ng mga pamangkin ay pinagpapalo ito ng shotgun sa mukha at tumakas.

Makalipas ang isang linggong pagkaratay sa ospital ay saka ito nagharap ng reklamo laban sa batang Asistio. Ang suspek ay anak ni Asistio Sr. na kapatid ni Congressman Asistio ng 2nd district ng lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)

ASISTIO

ASISTIO JR.

ASISTIO SR.

BANKERS VILLAGE

BOY TONTON

CALOOCAN CITY CONGRESSMAN LUIS

CONGRESSIONAL AVE

CONGRESSMAN ASISTIO

EMILIO PASCUAL JR.

GEMMA AMARGO

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with