^

Metro

2 konsehal kinasuhan sa Ombudsman

-
Sinampahan ng kasong katiwalian ng dalawang konsehal si Malabon Mayor Amado "Boy" Vicencio dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng bagong munisipyo na nagkakahalaga ng P122 milyong piso sa Brgy. Catmon.

Inakusahan nina Konsehal Chiqui Roque-Villaroel at Eddie Torres si Vicencio ng dishonesty, grave misconduct at grave abuse of authority at sa tulong nina Atty. Edna Herrera-Batacan at Atty. Carmencita Chua ay naisampa ang kasong administratibo at kriminal sa Office of the Ombudsman.

Sa reklamo ng dalawang konsehal, pinaboran umano ni Vicencio ang joint venture ng Principal Management Group, Inc. (PMGI) at Serg Construction, Incorporated na binigyan niya ng P122 milyon kontrata para itayo ang bagong munisipyo.

Napag-alaman ng dalawang konsehal na iligal ang ginawa ni Vicencio dahil sa hindi rehistrado ang pangalawang construction firm sa Securities and Exchange Commission (SEC) habang ang unang construction firm ay hindi lisensiyado sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).

Mayroon pa umanong iregularidad na ginawa si Vicencio dahil sa hindi ito kumuha ng "approval" sa Office of the President para sa nasabing proyekto na kailangan para sa mga proyekto ng pamahalaan na ang halaga ay lampas sa P50 milyon.

Isang pagpapatunay ang pagpapalabas ng isang sulat mula kay Assistant Secretary Jesus Crispin Remulla ng Presidential Management Staff na hindi aprubado ng kanilang opisina ang nasabing kontrata.

Kaya’t ang dalawang konsehal ay humihiling na suspendihin si Vicencio para hindi nito maimpluwensiyahan ang gagawing pag-iimbestiga ng Ombudsman. (Ulat ni Gemma Amargo)

ASSISTANT SECRETARY JESUS CRISPIN REMULLA

CARMENCITA CHUA

EDDIE TORRES

EDNA HERRERA-BATACAN

GEMMA AMARGO

KONSEHAL CHIQUI ROQUE-VILLAROEL

MALABON MAYOR AMADO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OFFICE OF THE PRESIDENT

VICENCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with