66 katao nalason sa kimiko, misis todas
November 13, 2000 | 12:00am
Umabot sa may 66 katao ang nalason at isang ginang ang namatay matapos na umano’y makalanghap sila ng isang mabahong kemikal sa hangin sa kasagsagan ng kanilang pagtulog kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Nakilala ang nasawi na si Leonor Ailes, 41, may-asawa, residente ng Urbano Velasco Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig.
Ayon sa mga doktor ng Rizal Medical Center, namatay ang biktima dahil sa matinding atake ng sakit nito na hika dulot naman ng paninikip ng dibdib matapos na makalanghap ng hangin na may lason.
Tinatayang nasa 39 residente ng naturang lugar ang isinugod sa Pasig Satellite Emergency Clinic habang may 29 pa ang tinanggap sa Emergency Room ng Rizal Medical Center.
Kasamang isinugod sa Rizal Medical Center ang limang anak ng nasawing si Ailes, ito ay sina Alvin, 13; Ana Marie, 12; Segundo Jr., 11; Reyvin, 6 at Sheryl Mona Marie, 10.
Ayon kay Ana Marie, natutulog na umano sila dakong alas-10:00 ng gabi nang makalanghap sila ng isang mabahong amoy tulad ng sa chlorine kaya’t agad na naglabasan ang kanilang mga kapitbahay at nakita ang isang trak na kadadaan lang sa kanilang lugar.
Agad na isinugod ang mga biktima na hindi makayanan ang amoy sa naturang mga ospital kasama si Ailes na inatake ng kanyang sakit na hika. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am