Naghanap ng 'glorya', taxi driver hinoldap ng pick-up girl at 2 kasabwat
November 11, 2000 | 12:00am
Isang taxi driver na nag-akalang makakarating na siya sa "glorya" sa piling ng kanyang nadampot na pick-up girl ang naholdap ng dalawang lalaking kasabwat ng babae, kahapon ng madaling-araw sa Cubao, Quezon City.
Sa pahayag ng biktimang si Ramon Alvarez, 28, may asawa at nakatira sa squatters area ng Filinvest, Batasan, QC, nag-aabang ang biktima ng masasakyan sa tapat ng ACT theater sa Edsa, Cubao ng lapitan ng pick-up girl na nagpakilalang Maila.
Inaya siya ng babae na paliligayahin kapalit ng halagang P200. Pumayag ang biktima at silay pumasok sa Apartelle. Pagdating sa inupahang kuwarto ay biglang nilapitan ang biktima ng dalawang kalalakihan na armado ng patalim saka siya hinoldap ng mga ito.
Nang malimas ang kanyang pera at alahas ay mabilis na nagsitakas ang tatlo. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended