Sa report ni C/Insp. Nelson Yabut, naaresto sa loob ng Little Ceasar’s Pizza parlor sa Pasong Tamo, Makati City ang mga suspek na sina Cresencio Roxas, 48, umano’y utak ng sindikato ng San Fernando, Pampanga; Adelino Ortiz, 38, ng Gen. Santos City; Ernesto Villanueva, 39, ng Balibago, Angeles City; Jesus Lacson, 36, ng San Fernando, Pampanga; Edward Diaz, 36, ng Sta. Maria, Bulacan; at Basi Estomato, 24, ng Intramuros, Manila.
Ang entrapment ay matapos humingi ng tulong kay DILG Undersecretary Rafaelito Garayblas si Mrs. Marciana Lao matapos maloko umano ito ng mg suspek nang bentahan ng dalawang pekeng gold bar na nagkakahalaga ng US$53,000.
Ang nasabing mga gold bar ay ibebenta sana ng bayaw ni Lao sa isang legislator sa Taiwan subalit nang beripikahin ay natuklasang peke hanggang sa makulong sa Taipeh, Taiwan ang bayaw ni Mrs. Lao.
Kabilang umano sa mga nabentahan ng mga pekeng federal reserve notes ang CitiBank, Philtecs Metals Corp., M.P. Montano Trading Corp.; Infratech Management Corp. at isang dating opisyal ng DILG na si Nora Petines.
Sinampahan sa Makati Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa forging treasury or bank notes, illegal possession and use of false treasury or bank notes at estafa ang naturang mga suspek. (Ulat ni Rudy Andal)