^

Metro

Jeepney holdap: pati pasahero tinangay

-
Siyam na pasahero ang hinoldap ng limang kalalakihan habang sakay ng pampasaherong jeep sa panulukan ng Taft Avenue at Vito Cruz, Malate, bandang alas-2 ng madaling-araw kahapon kung saan matapos na makulimbat ng mga suspek ang mga pera at alahas ng mga pasahero ay isa sa mga pasahero na nagngangalang Aida ang tinangay ng mga suspek na siyang ginawa nilang pananggalang sa pagtakas.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pa ring ulat ang pulisya kaugnay sa nasabing tinangay na biktima.

Samantala, kalaboso ang inabot ng isang snatcher matapos na mambiktima ng mag-asawang opisyal ng Western Police District habang lulan sila ng isang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Taft Avenue, Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Nadakip ang suspek na si Gerardo Magat, 18, ng #1071 Pedro Gil st., Paco, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga habang sakay sina Insp. Miguel Guzman ng WPD-Special Operations Group ng Manila City Hall at asawang si Insp. Analisa Guzman sa isang pampasaherong jeepney na bumabagtas sa Taft Avenue nang bigla na lamang hablutin ang kuwintas ng babaeng opisyal pagsapit nila sa area ng Pedro Gil.

Dahil dito, agad na hinabol ng lalaking pulis ang naturang snatcher patungong Paco area.

Isa namang pulis mula sa Station 1 na nagpapatrulya sa nasabing lugar ang nagresponde at nakihabol sa suspek hanggang sa masukol ito. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANALISA GUZMAN

ELLEN FERNANDO

GERARDO MAGAT

MANILA CITY HALL

MAYNILA

MIGUEL GUZMAN

PEDRO GIL

SPECIAL OPERATIONS GROUP

TAFT AVENUE

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with