^

Metro

Namuno sa pambabato ng tuyo at kamatis sa bahay ni Sin kinasuhan

-
Dahil sa umano’y hindi man lang paggalang kay Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, kinasuhan na ng pulisya ang pinuno ng 300 katao na nag-rally at nambato ng tuyo at kamatis sa bahay ng arsobispo kamakailan sa Mandaluyong City.

Isinampa ang mga kasong vandalism at alarm and scandal sa Mandaluyong Prosecutor’s Office laban kay Jose Cordova, pinuno ng Citizen’s Movement for Justice, Economy, Environment and Peace (JEEP).

Ito ang nanguna sa pagtuligsa kay Sin sa bahay nito sa Villa San Miguel, Shaw Blvd., Mandaluyong noong Oktubre 28 kung saan karamihan ay mga hinakot na high school students sa Taguig at Pateros.

Matapos pagbabatuhin ang gate at loob ng bakuran ng bahay ni Sin ng tuyo at kamatis, inumpisahan namang babuyin ni Cordova ang pader ng bahay nang kanya itong ispreyan ng pintura na nagsasabi ng mga katagang pagsuporta kay Pangulong Estrada.

Sa insidenteng ito, nagalit rin ang mga residente sa naturang lugar dahil sa pambabastos sa banal na lugar kung saan dito sila nagsisimba sa isang chapel na nasa loob ng villa.

Wala anyang problema sa kilos-protesta nila o ang pagtatanggol sa Pangulo ngunit hindi ito dahilan para tahasang bastusin ang tahanan ng Diyos. (Ulat ni Danilo Garcia)

CORDOVA

DANILO GARCIA

ENVIRONMENT AND PEACE

JOSE CORDOVA

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG PROSECUTOR

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

PANGULONG ESTRADA

SHAW BLVD

VILLA SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with