Preso tumakas, napatay
November 8, 2000 | 12:00am
Isang preso ng Parañaque City Jail ang nabaril hanggang sa napatay ng isang guwardiya, matapos itong tumakas mula sa mga kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kahapon ng umaga sa lungsod ng Parañaque.
Dead-on-arrival na isinugod sa Parañaque Community Hospital si Sherwin Alvaran, 21, may kasong qualified theft at nakatira sa Gumamela st., Bgy. B.F. Homes, ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tama sa likod buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Tumakas naman ang nakabaril na si Angelito Kulina, guwardiya ng Greenheights Subdivision na matatagpuan sa Sucat Road, Bgy. San Antonio, Parañaque City.
Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, dakong alas-9 kahapon ng umaga sa Amity st., nabanggit na subdivision ay pabalik na sa nasabing bilangguan si Alvaran kasama ang escort nitong si Jail Officer 3 Joel Malicdem, chief escort ng Parañaque City Jail, kung saan kagagaling lamang nito sa hearing sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 258.
Habang nakaposas si Alvaran ay bigla nitong siniko sa tiyan ang kanyang escort at mabilis na tumakas.
Humingi naman ng tulong si Malicdem sa mga barangay tanod doon upang habulin ang nakaposas at tumatakas na si Alvaran.
Dahil dito, nakatanggap ng tawag sa radyo ang nagbabantay na guwardiyang si Kulina sa nasabing insidente at tiyempo na nasakote si Alvaran.
Nag-warning shot si Kulina upang tumigil sa pagtakbo si Alvaran subalit hindi ito huminto kayat binaril ito sa likod ni Kulina.
Dito naabutan ng mga kagawad ng BJMP ang nakahandusay na si Alvaran na mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan, samantala, ang nasabing sekyu ay mabilis namang tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am