^

Metro

Hostage-drama

-
Matapos tangkang magnakaw at saksakin ang isang dalagang helper, isang lalaki na may "pagka-praning" ang nang-hostage ng mag-ina, kahapon sa lungsod ng Parañaque.

Ang suspek na si Jojie Arias, alyas Dangwa, 30, tubong La Union at nakatira sa Sta. Cruz, Manila ay nadakip matapos ang walong oras na hostage-drama.

Samantala, ang sinaksak na biktima ay nakilala namang si Tess Oliveros, helper sa San Dionisio Maternity Clinic na nasa Quirino Avenue, Bgy. San Dionisio, ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng ilang saksak sa katawan at ginagamot sa nabanggit na clinic.

Kinilala rin ang mag-inang hinostage na sina Maritess Allanige, 47, at Lucas Madsen, 14, nakatira sa 0589 Quirino Avenue, Santiago Compound, ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:45 kahapon ng umaga sa nabanggit na lugar. Tinangka umanong magnakaw sa nasabing maternity clinic ni Arias kasama ang dalawang hindi pa kilalang kalalakihan, subalit nakatunog si Oliveros sa masamang balak ng mga suspek kung kaya’t nagsisigaw ito na naging dahilan upang undayan ito ng saksak ni Arias.

Dahil dito, mabilis na tumakas si Arias at dalawa pang magnanakaw na hinabol naman ng mga barangay tanod.

Nabatid na tumakbo at pumasok si Arias sa loob ng bahay ng mag-inang Madsen at may dalang patalim na siyang tinutok sa mga biktima.

Halos umabot ng walong oras ang negosasyon sa pagitan ng mga rumespondeng SWAT team ng Parañaque, Makati City police at Pasay City.

Humiling ang suspek na bigyan siya ng stereo, mga pagkain, cellphone at ipatawag ang kanilang barangay captain sa Bgy. Sta. Cruz, Manila na si Teresa Lee at dalawang kapatid nito na siyang ipapalit sa mag-inang kanyang hinostage.

Sa halip na dumating ang mga hinihiling nitong mga tao, mga magulang nito ang sumulpot upang kausapin na palayain ang mga hinostage.

Habang nagaganap ang negosasyon, nakalingat si Arias na naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon ang nasabing mga alagad ng batas hanggang sa maaresto ito kaya’t malayang nailigtas ang mag-ina mula sa kamay ng nasabing suspek.

Dakong alas-12:25 kahapon ng tanghali, dinala si Arias ng mga pulis sa himpilan ng Parañaque City kung saan nakakulong ito ngayon at sasampahan ng mga kaukulang kaso.

Nabatid na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek habang ang dalawa nitong kasamang magnanakaw na hindi nabanggit ang mga pangalan ay nasakote naman sa Maynila ng mga kagawad ng Western Police District (WPD). (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARIAS

BGY

CRUZ

JOJIE ARIAS

LA UNION

LORDETH BONILLA

LUCAS MADSEN

MAKATI CITY

QUIRINO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with