^

Metro

Mayor Mathay di kakalas kay Erap

-
Sa kabila ng pagkondena at panlilibak sa pamunuan ni Pangulong Estrada at kaliwa’t kanang paghingi sa Chief Executive ng iba’t ibang sektor para lisanin nito ang puwesto, patuloy namang naninindigan si Quezon City Mayor Mel Mathay Jr. na nasa likod pa rin siya ng Pangulo.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kaugnay ng naglabasang ulat na ang mga mayor sa bansa ay hindi na sumusuporta kay Pangulong Estrada dulot ng matinding pagkakaladkad sa Pangulo sa jueteng scandal at hindi maresolbang krisis sa pulitika at ekonomiya ng bansa.

Binigyang-diin ni Mathay na kailanman ay hindi niya isosoli ang "kandila" kay Pangulong Estrada dahil marami na at malalim ang kanilang pagiging magkaibigan nito.

Naniniwala si Mathay na ang pagtutulungan lamang ng bawat isa ang mahusay na pundasyon upang maisaayos ang lahat ng gusot sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BINIGYANG

CHIEF EXECUTIVE

CRUZ

MATHAY

NANINIWALA

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

QUEZON CITY MAYOR MEL MATHAY JR.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with