^

Metro

Ate ni Bong Alvarez tugis sa pananaksak

-
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang kapatid na babae ng sikat na basketbolistang si Bong Alvarez, matapos umano nitong saksakin ang kanyang bayaw na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon dahil nagtalo lamang ang mga ito hinggil sa bayarin sa ilaw na naganap kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Lourdes Alvarez, may sapat na gulang, nakatira sa Ebony st., Samantha Village, Bgy. Talon 5, ng nabanggit na lungsod na mabilis na tumakas.

Samantala, ang bayaw nitong biktima ay nakilala namang si Alberto Jesus de Guzman, 47, nakatira sa nabanggit na address. Ginagamot ito sa Las Piñas Medical Center sanhi ng tatlong saksak sa leeg, kaliwang kili-kili at kanang braso.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Aristotle Raquion, ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.

Nagtalo umano sina de Guzman at Alvarez hinggil sa pagbabayad ng bill ng ilaw kung saan pinagsabihan ng suspek ang bayaw na tumulong sa pagbabayad nito.

Ang pagtatalo ng dalawa ay nauwi sa hindi magandang pangyayari, makaraang kumuha ng kutsilyo ang suspek at pagsasaksakin si de Guzman at tumakas.

Nabatid na ang nabanggit na suspek ay nakakatandang kapatid na babae ni Bong Alvarez, sikat na player ng Pasig-Rizal Pirates ng Metro Basketball Association (MBA). (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERTO JESUS

ARISTOTLE RAQUION

BONG ALVAREZ

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GUZMAN

LAS PI

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with