^

Metro

Itatayong munisipyo ng Malabon tinutuligsa

-
Kinondena ng isang konsehal ng Malabon ang palpak na pagplano ng bagong munisipyo na nagkakahalaga ng P130 milyon na kilalang bahain sa Metro Manila.

Ayon kay Konsehal Edilberto ‘‘Eddie’’ Torres, kitang-kita ngayon ang kapalpakan sa pagpili sa isang lote sa barangay Catmon lugar na katitirikan ng bagong munisipyo.

‘‘Bahain ang lugar kaya hanggang ngayon ay ni pundasyon ng ginagawang gusali ay hindi pa matapos-tapos. Kailangan nating isa-isip na isang taon ang projected completion date ng proyektong ito na sinimulan noong pang Pebrero,’’ sabi ni Torres.

Si Torres, kasama ang isa pang ‘‘reformist’’ na konsehal na si Konsehala Chiqui Roque, ang tumutuligsa sa iatatayong bagong munisipyo dahil ang lumang munisipyo ay kayang punan ang pangangailangan ng bayan.

Umutang ang bayan ng Malabon ng P130 million sa Philippine National Bank (PNB) para lamang may panustos sa paggawa ng gusali, na dapat ay ginamit ang pera sa mga ‘‘flood control projects na kailangang dito sa Malabon.

Ma-anomalya rin umano ang pagpaplano pati ang pagkakaloob ng pamahalaang bayan na pinamumunuan ni Mayor Amado ‘‘Boy’’ Vicencio ng kontrata sa Serg Construction Inc. at Project Management Group Inc. joint venture na umano, ayon kay Torres ay pawang di lisensyado ng Philippine contractors accreditation Board (PCAB). (Ulat ni Rainier Allan Ronda)

KONSEHAL EDILBERTO

KONSEHALA CHIQUI ROQUE

MALABON

MAYOR AMADO

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL BANK

PROJECT MANAGEMENT GROUP INC

RAINIER ALLAN RONDA

SERG CONSTRUCTION INC

SI TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with