Seguridad sa malls hihigpitan ng PNP
November 6, 2000 | 12:00am
Lalong pinatindi ngayon ang seguridad sa mga shopping malls matapos ang pinakahuling pagpapasabog ng granada sa Divisoria Mall kamakalawa na ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng walo pa.
Ipinag-utos kahapon ni Supt. Simeon Dizon, Eastern Police District Director ang pagpapaalerto sa mga kapulisan at pagdadagdag ng mga seguridad sa mga shopping malls dahil sa posibilidad ng pagtatanim ng bomba.
Masusing binabantayan ngayon ng pulisya ang mga mall sa Mandaluyong City na kinabibilangan ng SM Megamall, Shangri-La Plaza Mall, Star Mall (dating Manuela), EDSA Central shopping complex at Market place mall, binabantayan rin ang Ever-Gotesco Mall at Sta. Lucia Grand Mall sa Pasig City maging ang Greenhills Shopping Complex sa bayan ng San Juan.
Ang mahigpit na pagbabantay sa mga mall at iba pang matataong lugar ay bunsod ng ipinalabas na kautusan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Edgar Aglipay.
Positibo namang kinilala ni Aglipay na ang kilabot na Martilyo Gang ang may kagagawan ng naganap na nakawan sa jewelry shop at ang paghagis ng granada upang makatakas ang mga ito. Ganito rin ang modus-operandi ng naturang grupo nang pasukin nila ang isang jewelry shop sa Baclaran noong nakalipas na ilang buwan.
Sinabi ni Aglipay na isinabay ng mga suspek ang panghoholdap sa EDSA prayer rally dahil sa inakalang lahat ng pulis ay doon nakatuon ang pansin. Subalit wala umano siyang itinalaga sa rally mula sa Western Police District Office (WPDO) dahil ito ay nagbabantay sa oil depots na maaaring targetin ng mga makakaliwang grupo o mga terorista.
Inatasan si C/Supt. Avelino Razon na magsagawa ng imbestigasyon at agad na ipasisibak si Supt. Juanito de Guzman, hepe ng station 11 kapag napatunayang nagkaroon ito ng malaking pagkukulang. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am