^

Metro

Lolo tiklo sa pang-uumit ng 20 seat belt

-
Isang lolo ang naaresto kahapon ng mga elemento ng Western Police District Office (WPDO) Station 11 matapos nitong isalisi ang 20 piraso ng seat belt na gagamitin sana nito sa mga pag-aaring sasakyan.

Hindi na nakalibre sa gastos ay hindi pa nakaligtas sa batas ang suspek na nakilalang si Ernesto Medina, 56, may asawa at residente ng 1334 Fermin Tubras st., Tondo, Maynila matapos masakote hinggil sa umano’y pagnanakaw ng mga nasabing seat belt mula sa tindahan ng negosyanteng si Alvin Sy, 23, residente ng 653 F. Torres st., Binondo sa naturang lungsod.

Sa panayam kay Capt. Carlito Valenzuela ng Station 11 ng WPDO, ganap na alas-9 ng umaga kahapon ay nagkunwang bibili ng mga seat belt ang suspek mula sa tindahan ni Sy para umano ilagay sa mga pag-aaring sasakyan dahil fully implemented na ang Seat Belt Act sa lahat ng sasakyan sa buong bansa at upang hindi mahuli ng LTO at gumastos ng malaking halaga sa naturang seat belt na P500 ang bawat isa.

Nang makalingat ang tindera ay bigla na lamang umanong naglahong parang bula ang suspek dala ang 20 piraso ng seat belt na nakapaloob pa sa isang malaking kahon.

Agad nagsumbong ang tindera at rumesponde si SPO4 Carmelino Torres. Hindi pa nakakalayo ang suspek ay agad itong nasukol ng pulisya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALVIN SY

ANGIE

BELT

BINONDO

CARLITO VALENZUELA

CARMELINO TORRES

ERNESTO MEDINA

FERMIN TUBRAS

SEAT BELT ACT

WESTERN POLICE DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with