15-anyos ligtas sa rapist na 'multo'
November 3, 2000 | 12:00am
Nagpanggap na multo ang isang lalaki upang makapanggahasa ng isang 15-anyos na dalagita na kanyang kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Ang suspek na agad namang naaresto ay nakilalang si Edwin Aquino, 22, may asawa, ng Phase 9, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.
Samantala, ang biktima na agad namang nakapiglas sa suspek ay itinago sa pangalang Juanita, kapitbahay ng suspek.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang tangkang panggagahasa sa biktima sa loob ng silid nito.
Ayon sa biktima, natutulog siya nang maalimpungatan at makita ang isang puting anino subalit inakala umano nito na tinatakot lamang siya ng kanyang lola na kanyang kasama sa bahay kung kayat hindi niya ito pinansin.
Subalit laking takot ng biktima nang tabihan siya ng nasabing anino sa kanyang pagkakahiga at paglalamasin sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa kabila ng takot ay nagawang makapiglas ng biktima at naitulak ang walang saplot sa katawang suspek at malakas na nagsisigaw na ikinagising ng kanyang lola.
Sa takot namang mahuli ni Aquino ay mabilis itong tumakas subalit sa kanyang pagmamadali ay naiwan nito ang kanyang t-shirt at sandals na kanyang hinubad matapos na puwersahang makapasok sa loob ng nasabing bahay na siya ring naging dahilan upang makilala ito ng biktima at ng kanyang lola.
Nabatid pa na ang nasabing insidente ay ikalawa nang pagtatangka ng suspek sa biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended