^

Metro

5 araw ibinigay ng korte para makadalaw sa libingang binakuran

-
Binigyan ng limang araw ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ang mga kamag-anak ng mga nakalibing sa Eternal Garden na binakuran ng ama ni Laarni Enriquez, upang makapasok ang mga ito.

Ito ang napag-alaman mula kay Atty. Ferdinand Valbuena, clerk of court ng RTC Branch 126 matapos na magkaroon ng hearing kahapon ng umaga at payagan ni Judge Luisito Sardillo na simula kahapon, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 ay makakapasok ang mga ito sa Eternal Garden.

Kinatigan ni Judge Sardillo ang Temporary Intervention Restraining Order na inihain ng may 200 nakabili ng lupa sa naturang libingan subalit pinagpasa ang mga ito ng mga pangalan na maaaring makapasok sa Eternal Garden kabilang ang kanila na rin umanong mga pamilya na nagnanais na makapasok.

Pinagsusumite rin ng korte sina Lilia Sevilla, asawa nitong si Jose Seelin at pamunuan ng Eternal Garden upang sagutin ang mga kasong isinampa sa kanila ni Alfonso Enriquez, ama ni Laarni Enriquez, na siya umanong nakabili ng malaking lupa sa libingan na siya ngayong hino-"hostage" nito kung kaya’t hindi makapasok ang mga nagnanais na dumalaw sa kanilang mga kamag-anak na namatay na at dito nakalibing.(Ulat ni Gemma Amargo)

ALFONSO ENRIQUEZ

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

ETERNAL GARDEN

FERDINAND VALBUENA

GEMMA AMARGO

JOSE SEELIN

LAARNI ENRIQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with