Red alert sa Metro ngayong Undas
October 31, 2000 | 12:00am
Inilagay kahapon ng pulisya ang buong Metro Manila sa red alert status upang bantayan mula sa masasamang loob na magsasamantala sa mga daragsang mga pasahero sa mga istasyon ng bus at barko na uuwi sa kanilang mga lalawigan upang ipagdiwang ang Todos Los Santos.
Kasabay nito ay nagpalabas naman ng kautusan ang apat na alkalde ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) at Northern Police District (NPD) ng pagbabawal ng pagdadala ng mga alak at iba pang nakalalasing na inumin, pagsusugal sa sementeryo at iba pang uri ng pagsasaya na karaniwan na umanong ginagawa ng mga Pilipino sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay na nauuwi lamang sa aksidente at kaguluhan.
Ayon kay NPD director Sr. Supt. Marlowe Pedregosa, nagpalabas na siya ng may 1,000 tauhan sa lahat ng mga sementeryo ng CAMANAVA area upang mapanatili ang katahimikan sa paligid nito. (Ulat nina Danilo Garcia/Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest