Sinumpong ng sakit lunod sa baha
October 30, 2000 | 12:00am
Isang lalaki na pinaniniwalaang epileptic ang iniulat na nasawi makaraang malunod ito sa tubig-baha nang sumpungin ng kanyang sakit habang sila ay namamalengke sa lampas-tao na baha kahapon ng madaling-araw sa Novaliches, Quezon City.
Ang biktima ay nakilalang si Rodolfo Gonzales, 51, may asawa at nakatira sa #15-D Petronia st., Buenamar Subd., Bgy. Sta. Monica, Novaliches, QC.
Ayon sa pahayag ng maybahay ng biktima na si Remedios, bandang alas-3 ng madaling-araw kahapon habang kasagsagan ng bagyong Reming nang magtungo sila sa Angeles market para mamalengke.
Habang nasa loob ng palengke ang mag-asawa ay biglang lumaki ang tubig-baha hanggang sa halos umabot ng lampas-tao kaya nagkukumahog ang mag-asawa na makapunta sa ligtas na lugar.
Subalit biglang sinumpong umano ang biktima ng kanyang sakit na epilepsy kaya natumba ito sa tubig-baha at nabigo namang masagip ng kanyang maybahay hanggang sa anurin ito.
Nakuha lamang ang bangkay ng biktima ng mga barangay tanod at rescue team ng QC government bandang alas-9:45 ng umaga sa naturang palengke nang bumaba ang tubig-baha dito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest