^

Metro

Biktima ng HFMD apat na

-
Umabot na sa apat ang bilang ng kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) sa bansa makaraang dalawang panibagong kaso nito ang naitala sa Mandaluyong at Marikina City.

Ang dalawang bagong biktima na hindi tinukoy ang mga pangalan ay magpinsan at may mga edad na apat na taon.

Nabatid na ang mga biktima ay kinunan ng stool at blood samples at dinala sa Australian Health Department na siyang nagkumpirma ng nasabing sakit.

Base sa ulat ng Field Epidimiology Training Program ng Department of Health (DOH), ang ikatlong kaso ng HFMD ay nahawa lamang sa unang biktima dahil magkaklase ito habang ang ika-apat na kaso ay pinsan naman ng ikatlong biktima.

Ang naging mode of transmission nito ay sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-usap ng mga biktima sa iba pang unsuspecting victims.

Napag-alaman na napakabilis na kumalat ng viral infection lalo’t magkakatalsikan ng laway ang mga carrier nito sa isang unsuspecting victim.

Sinabi ni Sec. Alberto Romualdez Jr., na mayroon ng mahigpit na pagbabantay na ginagawa ang World Health Organization-Western Pacific Regional Office upang matiyak na hindi matutulad sa mga bansang Malaysia, Taiwan at Singapore ang Pilipinas kung saan ay nagkaroon na muna ng outbreak bago nakontrol.

Ang HFMD ay isang viral disease na galing sa Coxsackle virus o Enterovirus 71 A at umaatake sa mga paslit na edad isa hanggang 10.

Karaniwan na lumilitaw ang sintomas ng HFMD makalipas ang limang araw na exposure sa virus. Magkakaroon ng singaw sa bibig, pamumula at pamamantal sa mga kamay at paa at pagkalipas pa ng ilang araw ay mauuwi na sa lagnat, sipon, sore throat at mawawalan na ng ganang kumain ang biktima.

Nabatid na mayroon ng 400 na kabuuang kaso ng HFMD sa Singapore kung saan ay apat na dito ang namatay base sa huling record nito noong Oct. 18.

Unang lumitaw ang HFMD sa Taiwan noong 1997 at Malaysia naman noong 1998.

Kaugnay nito, nagbabala ang DOH sa mga paaralan na maging alerto sa HFMD sa kanilang mga estudyante at sakaling makakita ng mga butlig sa katawan na siyang unang senyales sa pagkakaroon ng sakit ay ipagbigay-alam agad sa kanilang tanggapan. (Ulat ni Andi Garcia)

ALBERTO ROMUALDEZ JR.

ANDI GARCIA

AUSTRALIAN HEALTH DEPARTMENT

DEPARTMENT OF HEALTH

FIELD EPIDIMIOLOGY TRAINING PROGRAM

FOOT AND MOUTH DISEASE

HFMD

MARIKINA CITY

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with