^

Metro

7 nawawalang Caviteña nabawi sa Luneta Park

-
Pitong dalagitang Caviteña ang nabawi mula sa hinihinalang white slavery gang na nagresulta rin sa pagkakaaresto ng apat katao sa isinagawang operasyon sa Luneta, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga naarestong sina Jonnel Misalania, 17, L.A. Catalon, 15, Fernando Vinas, 16, at Johnnel Parukinig, 14, pawang taga-Cavite.

Na-rescue naman ng mga awtoridad mula sa kamay ng mga suspek ang mga kabataang babae na sina Donna Torre, 14; Reggie Sereneo, 14; Liezel Abreo, 13; Arlene Constantino, 14; Lea None, 13; Noemi Enciso, 15; at Catherine Espinosa, 15, pawang taga-GMA, Cavite.

Nabatid na ang pagkakahuli sa mga suspek ay bunsod ng ginawang pakikipag-ugnayan sa pulisya ng mga magulang ng mga biktima kaugnay ng pagkawala ng kanilang mga anak magmula pa nitong Oktubre 15.

Ipinakita ng mga magulang ng biktima sa WPD ang litrato ng mga nawawalang anak at natiyempuhan sa may Luneta park ang mga ito kaya’t inimbitahan ng pulisya para sa kaukulang pagtatanong.

Hinihinala naman ng mga awtoridad na malamang na ibinubuyo ng nahuling mga suspek sa mga customer ang mga kabataang babae at malamang din umanong isang malaking white slavery gang ang humahawak sa naturang grupo kaya’t nakapagsasagawa ng modus operandi sa Kamaynilaan.

Tinurn-over sa Cavite Police ang apat na nahuling suspek para sa pagsasampa ng kasong pagkidnap. Ang mga biktima ay sinundo ng kanilang mga magulang mula sa naturang himpilan ng pulisya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ARLENE CONSTANTINO

CATHERINE ESPINOSA

CAVITE

CAVITE POLICE

DONNA TORRE

FERNANDO VINAS

JOHNNEL PARUKINIG

JONNEL MISALANIA

LEA NONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with