^

Metro

Kamatis naman at tuyo ibinato sa bahay ni Cardinal Sin

-
Inulan kahapon ng plastik na tuyo na may kasama pang kamatis ang bahay ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin matapos itong pagbabatuhin ng mga supporters ni Pangulong Estrada, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Dumagsa ang tinatayang 200 mga nagpoprotesta sa harap ng Archbishop’s Residence, Villa San Miguel, sa may Shaw Blvd., Mandaluyong City dakong alas-9:30 ng umaga upang suportahan ang Pangulo laban umano sa paggamit ni Sin sa Simbahan upang makialam sa mga aktibidades ng pamahalaan.

Sinabi ng organizer ng piket na si Jose Cordova, pangulo ng Movement for Justice, Economy, Environment and Peace, na tinutuligsa nila ang ginawang pag-amin nito sa pagtanggap ng Simbahan sa P1.8M na solicitation mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang gamitin sa proyekto para sa mga maralita.

Nagulat umano sila sa pahayag ng Kardinal na walang masama sa pagtanggap ng naturang pera dahil sa ibinabahagi naman niya ito sa mga mahihirap. Ito’y kabaligtaran umano niya sa panawagan nito sa pagkondena sa lahat ng uri ng sugal at maging ang pagkontra nito sa Pangulo.

Idinagdag pa nito na wala umanong natatanggap ang mga mahihirap mula sa naturang pera. "Ang ginawa naming pagbato ng tuyo at kamatis ay bilang pagpapakita upang makatikim naman ang Kardinal ng pagkain ng mga mahihirap," ani Cordova. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ENVIRONMENT AND PEACE

JOSE CORDOVA

JOY CANTOS

KARDINAL

MANDALUYONG CITY

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with