Lima katao tiklo sa pot session

Lima katao ang inaresto ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit matapos na maaktuhan ang mga ito na nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang barung-barong kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joel Fernandez, 22, binata, ng Sunflower st., Camarin, Caloocan; Jovy Vasquez, 27, may asawa, welder, ng 83 Doña Aurora st., Area D, Camarin; Limel Gonzales, 25, binata, pintor, ng Block II Lot 22, Capitol Park I Land, Caloocan; Elmoro Ponteras, binata, pintor, tubong Masbate at residente ng 3365 Dalia st., Camarin, Caloocan; at Angelito Cansancio, 32, binata, mekaniko, tubong Negros at nakatira sa Dalia st., Camarin.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang tumawag sa tanggapan ng DEU-Caloocan at ipinabatid ang nagaganap umanong pot session sa bahay ng isa sa mga suspek.

Kaagad namang nagsagawa ng surveillance ang mga ahente ng DEU dakong 10:30 ng umaga at naaktuhan ang mga suspek. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments