Empleado ng Banko Sentral nag-suicide
October 28, 2000 | 12:00am
Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman nabahiran ng dugo ang gusali ng Bangko Sentral ng Pilipinas matapos na lumundag sa kanyang kamatayan mula sa ikalabindalawang palapag ng naturang building ang isang 51-anyos na lalaki kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.
Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na may kanser sa utak na si Ruel Aruelo, ng #42 Rainbow St., SSS Village, Marikina City.
Ayon sa ulat, si Aruelo ay empleado ng Bangko Sentral ng Pilipnas na nakatalaga sa Provident Fund Office at vice president ng BSP Employees Association.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay umakyat sa ika-12 palapag ng nasabing gusali bago lumundag mula sa bintana ng stockroom.
Bumagsak ang katawan ni Aruelo sa ikalawang palapag na canopy, harap ng Roxas Blvd. dakong alas-7:30 ng umaga kahapon, ayon pa sa ulat ng pulisya.
Natagpuan ng mga imbestigador ang suicide note ng biktima na naka-address sa kanyang pamilya na sinasabing ginawa ang pagpapakamatay dahil ayaw nang mahirapan pa ang pamilya sa dinaranas na sakit. (Ulat ni Mike Frialde)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended