^

Metro

'Boracay' mansion ni Erap pinaulanan ng bagoong at alamang

-
Pinagbabato ng bagoong at alamang ng mga militanteng grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Taga-Lungsod (KPML) ang tinaguriang "Boracay" mansion ni Pangulong Estrada sa New Manila, Quezon City, kahapon.

Binatikos din ni KPML spokesman Jess Panis ang Pangulo dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa jueteng operations kasabay ang panawagan dito na magbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa pagkawala nito ng moral na karapatan para mamuno ng bansa.

May 50 hanggang 100 miyembro ng KPML ang nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Boracay mansion ni Pangulong Estrada na nasa 100 11th St., New Manila, QC, kung saan ay nakatira umano dito si dating actress Laarni Enriquez.

Inakusahan din ng grupo ang Pangulo bilang umano’y godfather ng mga gambling lords dahil sa pagbibigay umano nito ng proteksyon sa mga sugalan partikular ang jueteng operations sa buong Luzon. (Ulat ni Rudy Andal)

BINATIKOS

BORACAY

JESS PANIS

LAARNI ENRIQUEZ

MARALITANG TAGA-LUNGSOD

NEW MANILA

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with