^

Metro

Snatcher knock-out sa ex-world champ

-
Isang 21-anyos na miyembro ng Batang City Jail na nang-agaw ang cellphone sa isang empleado ng Dept. of Finance, ang pinatulog ng dating boxer champ makaraang manlaban ang suspek sa huli bago nasakote ng mga awtoridad kamakalawa ang gabi sa Harrizon Plaza, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alfredo Briones, ng 246 Estrella st., F.B. Harrison, Pasay City, habang ang biktima ng snatching ay nakilalang si Ryan Maxdell Gajo Tobias, binata, ng 77-C 15th Avenue, Bgy. Socorro, Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, lumalabas na sinamantala ng suspek ang biktima na nagte-text sa loob ng isang pampasaherong jeep dakong alas-6: 45 ng gabi kamakalawa.

Hinabol ng biktima ang suspek dala ang inagaw na cellphone subalit namataan ito ni William Magahin, ex-WBF World Boxing champion na humabol din sa tumatakas na suspek. Inabutan naman ni Magahin ang suspek subali’t ito ay nanlaban kaya napilitang suntukin sa mukha ni Magahin na nagresulta upang ito ay mapatulog bago dalhin sa presinto. (Ulat ni Wilfredo Suarez)

vuukle comment

ALFREDO BRIONES

BATANG CITY JAIL

HARRIZON PLAZA

MAGAHIN

PASAY CITY

QUEZON CITY

RYAN MAXDELL GAJO TOBIAS

WILFREDO SUAREZ

WILLIAM MAGAHIN

WORLD BOXING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with