P.7M puslit na cellphones nasabat
October 26, 2000 | 12:00am
Tinatayang aabot sa 469 puslit na cellphones na may halagang P.7 milyon ang nakumpiska ng mga ahente ng Enforcement and Security Service ng Custom Police Division kamakailan sa Port of Subic.
Sinabi ni Capt. Juanito Algenio, hepe ng ESS sa Subic, idineklara ang nasabing kargamento bilang electrical equipment na naka-consign umano sa Subic Acropolis.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nasabat ang kargamentong kinabibilangan ng modelong Nokia 6210 at Nokia 8210 habang lulan ng Fedex van na ihahatid sa nasabing kompanya.
Inirekomenda naman ni Algenio kay BOC chief Renato Ampil na magpalabas ng warrant of seisure laban sa nasabing kargamento. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended