^

Metro

Paslit todas, ina grabe sa sagasa

-
Isang paslit ang iniulat na nasawi habang nasa kritikal na kalagayan naman ang ina nito matapos silang salpukin ng rumaragasang van habang papatawid ang mga biktima sa Batasan Hills, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Homer Pelotendos, 4-anyos habang ang ina nito na si Nenita, 30, ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa ulat ng CPD-Traffic Management Unit, bandang alas-4 kamakalawa ng hapon habang tumatawid ang mag-ina sa tapat ng Batasan Elementary School sa IBP Road ng nasabing lugar nang masalpok ang mga ito ng rumaragasang van na may plakang GGK-641 na minamaneho ni Diosdado Cruz Jr., 54, ng QC.

Sumuko naman ang driver ng naturang van sa mga awtoridad habang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang sugatang biktima. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BATASAN ELEMENTARY SCHOOL

BATASAN HILLS

DIOSDADO CRUZ JR.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HOMER PELOTENDOS

ISANG

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with