^

Metro

Pro-Erap rallyist nauhaw, nagutom; pangakong P500 di naibigay

-
Imbes na P500, gutom, uhaw, sakit ng ulo at pagkahimatay ang napala ng mga taga-Bgy. Isla Puting Bato na hinakot umano ng kanilang barangay chairman upang padaluhin sa pro-Erap rally sa Mendiola bridge, kahapon ng hapon.

Tinatayang umabot sa 600 katao mula sa Bgy. 20, Zone 11 ang nagsabing hinakot umano sila ng kanilang barangay chairman na si Viviano Navarra patungong Mendiola bridge at pinangakuang bibigyan ng pera at pakakainin ni Mayor Lito Atienza upang suportahan ang demonstrasyon na pro-Erap.

Ang rally ay may naglalakihang streamer na "People’s Movement Against Poverty" at mga plakard na may sulat na "depensa ng masa, alay ni Atienza."

Sinabi ng isang Lola Ising, 65, napilitan umano siyang sumama nang yayain ni Navarra dahil kailangan niya ng P500 na pambili ng gamot ng apo niyang may sakit.

Ngunit laking pagkadismaya ni Lola Ising nang dakong 12:30 ng tanghali ay wala pa silang makain at ni hindi man lamang binigyan ng inumin.

Dahil gutom na gutom, ipinasya ni Lola Ising na umuwi na lamang at nagpaalam saka hiningi kay Navarra ang ipinangakong P500.

Pero, lalo lamang nanlumo ang matanda nang sabihin umano ni Navarra na wala pa umanong ipinahahatid na pera si Atienza. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ATIENZA

BGY

ERAP

ISLA PUTING BATO

LOLA ISING

MAYOR LITO ATIENZA

MENDIOLA

NAVARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with