Sekyu vs sekyu: 1 todas sa shotgun
October 23, 2000 | 12:00am
Binaril ng shotgun at napatay ng isang security guard ang kanyang kasamahan sa trabaho makaraang magtalo sa pagbabantay ang dalawa kahapon ng umaga sa Lee St., Brgy. Wack-Wack, Mandaluyong City.
Ideneklarang patay sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Edgar Bentic, 35, ng Area 1, block 20, Champaca St., Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City. Habang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Salvador Magluyan, 27, ng Kumpol Village, Phase III, C-Road, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Bayani Prianes, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong alas 6:25 ng umaga, kahapon sa harapan ng Lee Garden Construction Company na binabantayan ng dalawa.
Ayon sa impormasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hinggil sa ginawang pagtulog ng biktima sa oras ng duty na ikinasama naman ng loob nito.
Nagtanim umano ng sama ng loob ang biktima sa suspek hanggang sa mag-away na nauwi sa agawan ng shotgun bago nagkaputukan na nagresulta sa pagkamatay ni Bentic. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended