^

Metro

Aktibista dinampot sa pagpinta ng 'Oust Erap'

-
Isang aktibista ang inaresto ng mga tauhan ng Central Police District matapos magpinta ito ng "Oust Erap" sa gusali ng SSS kahapon ng umaga sa East Avenue, Quezon City.

Kinilala ni Supt. Benjardi Mantele, CPD-stn. 10 chief, ang nadakip na si Ariel Balero, 19, estudyante ng Adamson University at nakatira sa BAI compound, Visayas Avenue, QC.

Bandang alas-6 ng umaga ng maaktuhan ng security guard ng SSS na si Jose Custodio ang suspek habang nagpipinta ng kulay pulang pintura na "Oust Erap".

Kaagad inaresto ng guwardiya ang aktibista habang ang ibang kasamahan nito ay mabilis na nagsitakas.

Ipinagbigay-alam ng guwardiya sa CPD ang ginawang vandalism ng suspek sa gusali ng pamahalaan.

Iginiit naman ng estudyante na karapatan niya bilang mamamayan na ihayag ang kanyang nararamdaman laban sa pamahalaang Estrada.

Kasalukuyang nakapiit sa CPD stn. 10 ang suspek habang inihahanda ang kasong vandalism laban dito. (Ulat ni Rudy Andal)

ADAMSON UNIVERSITY

ARIEL BALERO

BENJARDI MANTELE

CENTRAL POLICE DISTRICT

EAST AVENUE

JOSE CUSTODIO

OUST ERAP

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

VISAYAS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with