^

Metro

Ama tinodas ng adik na anak dahil pagsita sa boundary

-
Binaril at napatay ng isang 16-anyos na adik ang kanyang sariling ama matapos nitong pagalitan ang una nang hindi magbigay ng boundary sa tricycle kahapon ng umaga sa Camarin, Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Nodado General Hospital ang biktimang si Rogelio Estillana Sr., 37, security guard ng 2732 Yellowbelle st., Bgy. 174, Camarin, ng nasabing lungsod matapos itong magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang sentido.

Kaagad namang nadakip ang suspek na si Rogelio Jr. ng isang kagawad ng Western Police District (WPD) habang natutulog ito sa isang bangketa sa Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Nilo Padulaga na matagal na umanong problema ng biktima ang suspek dahilan sa hindi ito makapagtapos ng pag-aaral bunsod ng pagkagumon sa droga. Dahil dito ay ibinili ng biktima ng pamasadang tricycle ang suspek upang makaiwas sa mga barkada nito.

Subalit kahapon ng umaga, nabatid na bago pumasada ng tricycle ang suspek ay pinagalitan ito ng ama matapos na mabalitaang patuloy pa rin ang pakikipagbarkada nito at hindi nakapagbibigay ng boundary.

Lingid sa biktima ay nagtanim ng galit ang suspek at kahapon ay maaga itong umuwi ng bahay at naabutang mahimbing na natutulog ang ama sa sofa. Kinuha nito ang kalibre .38 paltik na noon ay nakatago sa kabinet ng biktima at binaril sa sentido ang ama.

Tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril at nagtungo sa Luneta hanggang sa mahuli ng mga kagawad ng WPD dahil sa kasong bagansya. Dito niya ipinagtapat ang pagkakapatay niya sa sariling ama.

Kaagad na dinala ng mga kagawad ng WPD ang suspek sa Caloocan police at kasalukuyang nakapiit habang inihahanda ang kasong parricide laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BGY

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

KAAGAD

NILO PADULAGA

NODADO GENERAL HOSPITAL

ROGELIO ESTILLANA SR.

ROGELIO JR.

SUSPEK

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with