Manila City Hall pinasok na ng cellphone gang
October 20, 2000 | 12:00am
Balik-kulungan ang bagong layang miyembro ng Commando Gang makaraang magnakaw ng cellphone sa loob mismo ng opisina ng City Treasurers Office sa Manila City Hall kahapon ng tanghali.
Agad naaresto ng mga tauhan ng Manila City Hall Special Operations Group chief, Atty. Jimmy Santiago ang suspek na si Rolando Perdis, 39, ng 1858 Orobi st., Estrada Ext., Sta. Ana, Manila.
Ayon sa biktimang si Vilma Cabrera, Officer II sa Local Treasury Division, dakong ala-una ng tanghali, nagpapahinga siya sa kanyang lamesa nang maramdaman niyang may humuhugot ng cellphone na hawak niya.
Sa pag-aakalang binibiro lamang siya ng mga kasamahan ay hindi niya ito pinansin. Nang inangat ang kanyang mukha ay laking gulat niya nang makita ang hindi kilalang lalaki at hawak na ang kanyang cellphone.
Tinangka pang tumakas ng suspek subalit nasakote rin nang batukan ng isang Nelson.
Sinabi ni Santiago na sadyang wala nang pinapalagpas ngayon ang cellphone gang. "Parang mga langgam iyan na kapag nakakita ng cellphone na naka-display o nakatiwangwang ay lalapit at lalapit na parang asukal na kailangang makuha," sabi pa ni Santiago. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am