^

Metro

Grade 4 pupil natuhog ng steel bar, patay

-
Isang grade IV pupil ang nasawi matapos itong madulas at matuhog sa tiyan ng bakal na nakausli na pinagtatalian ng flagpole habang papauwi ito ng kanilang bahay buhat sa eskuwela, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.

Kinilala ni PO3 Erron Balauat, ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig police ang biktimang si Roland Earl Calamayan, 11, nakatira sa Bgy. Western Bicutan na hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Balauat, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi ay papauwi na ang biktima mula sa kanyang eskuwela.

Dahil nais niyang agad na makarating ng bahay, nag-shortcut ito ng daan at sa pagmamadali ay nadulas kung saan tumusok ang tiyan nito sa nakausling bakal na pinagtatalian ng flagpole na nasa harapan ng Grasso Philippines Inc. na nasa Panorama Cmpd., Veteran’s Center, Western Bicutan.

Ilang concerned citizen ang nakakita sa sinapit ng biktima at agad itong isinugod sa nabanggit na ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Mabilis namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari kung saan masusing iniimbestigahan ang naturang kaso at malamang na magkaroon ng pananagutan ang nasabing kumpanya sa sinapit ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BALAUAT

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

ERRON BALAUAT

GRASSO PHILIPPINES INC

LORDETH BONILLA

PANORAMA CMPD

ROLAND EARL CALAMAYAN

TAGUIG

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with