Pasyente na walang dalaw, nagbigti
October 16, 2000 | 12:00am
Dahil sa walang makuhang lubid, ginamit ng dalagang pasyente ng National Center for Mental Health ang kanyang uniporme sa pagbibigti nang nakahubad kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nasawing pasyente na si Melanie Nefias, 19, tubong Bgy. Alagan Oras, Eastern Samar.
Hindi na umano dinadalaw pa ng kanyang mga kamag-anak ang biktima magmula ng ito ay pumasok sa NCMH.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Bayani Prianes, ng Criminal Investigation Division, nadiskubre ang insidente dakong alas-3:45 ng madaling araw ng attending nurse na si Evelyn Baringuez.
Nagsasagawa si Baringuez ng inspeksyon sa bawat kuwarto ng mga pasyente nang mapansing wala sa kanyang higaan si Nefias sa ikalawang palapag ng Pavillion 5.
Agad niya itong hinanap hanggang sa mapansing bukas ang ilaw ng palikuran.
Dito nadiskubre ang bangkay ng biktima na malamig na at nakahubad dahil sa ang mismong damit na uniporme nito ang ginamit sa pagbibigti. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest