Payroll tinangay ng bagong empleado
October 16, 2000 | 12:00am
Nagkamali sa pagkuha ng bagong empleado ang isang development company matapos na tangayin nito ang tinatayang P400,000 halaga ng tseke bilang pansahod sa kanilang mga trabahador kamakalawa ng umaga sa bayan ng San Juan.
Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na si George Ramirez, bagong empleado ng Billey Development Corporation, Buenaventura Building, Ortigas st., Greenhills, San Juan.
Ayon sa mga opisyales ng kompanya, ilang buwan pa lamang umanong nagtatrabaho bilang clerk sa kanilang accounting division ang suspek bago ipinagkatiwala nila ang pagpapalit ng naturang tseke sa kanya bilang pansahod sa mga trabahador ngayong a-kinse ng buwan.
Dahil sa ginagahol na sila ng oras sa pagpapasuweldo sa mga trabahador, nagprisinta na mismo ang suspek na siya na lamang ang magpapalit ng tseke.
Umalis umano ang naturang suspek dakong alas-9:30 ng umaga at hindi na muling bumalik. Dito na nagpasyang humingi ng tulong ang kanyang manager sa pulisya at pinuntahan ang lugar na nakasaad sa address na ibinigay niya.
Nadiskubre naman na gawa-gawa lamang nito ang naturang address at wala talagang ganoong lugar matapos na mahilo ang mga pulis na naghanap dito.
Galit na galit naman ang mga trabahador na posibleng hindi makatanggap ng sahod nila dahil sa naturang insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended