Empleada, hinoldap bago ginulpi ng 3 sekyu
October 16, 2000 | 12:00am
Isang 29 anyos na empleada ang hinoldap bago pinagtulungang gulpihin at tangkang pagsamantalahan ng tatlong security guard na naganap sa Salcedo St., Legaspi Village, Makati City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Chief Inspector Angelita Alvarico, hepe ng Womens Desk ang biktima na itinago sa pangalang Alexis, dalaga, residente sa Unit III6 Cityland 8 Condominium #98 Gil Puyat Avenue ng nasabing lungsod.
Samantala, ang mga suspect ay pinaghahanap pa ng pulisya makaraang magsitakas matapos na holdapin, gulpihin at pagtangkaang halayin ang biktima dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Torre de Salcedo ng nasabing lugar.
Nabatid na nakuha ng imbestigador ang dalawang pangalan ng on-duty-officers sa gusali na pinangyarihan na sina Jereby Feren at Noel Tayag na kapwa security guards ng Anami Security and Investigative Services, Inc.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Evangeline Babor, may hawak ng kaso, nilapitan siya ng tatlong lalaki na hindi nito nakikilala sabay hablot sa hawak na Nokia 3210 cellphone. Pinahubad din sa biktima ang mga suot nitong alahas bago siya binugbog at pinagtangkang gahasain.
Nagawang makatakas ng biktima sa kamay ng tatlong kalalakihan at kaagad na nagsumbong ito sa mga awtoridad na nagsagawa ng responde sa nasabing lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended