Sen. Biazon namagitan sa demolisyon, pinaputukan
October 14, 2000 | 12:00am
Kinompronta ni Sen. Rodolfo Biazon ang blue guard na si Ben Delegero, umano’y miyembro ng ACDISA Security Agency, matapos itong magpaputok habang nakikipag-usap ang senador hinggil sa demolisyon sa Freedom Island sa Parañaque City kahapon.
Si Biazon ay rumesponde matapos tawagan ng mga residente makaraang pasukin ang nasabing lugar ng mga blue guards at outsider civilians na may kasamang bulldozer at SWAT team upang ipatupad ang demolisyon.
Ayon sa isang Arnulfo Barla, nagpakilalang head ng demolition team at pangulo ng Gintong Layunin Inc. na nakipagkasundo sa Public Estates Authority para siyang mamahala sa demolisyon.
Nang hingan ng court order ay wala itong maipakita kay Biazon. Ipinaliwanag ng senador na ang usapin tungkol sa pagpapaalis sa mga residente ay kasalukuyan pang pagpupulungan sa Senado kaya’t ang kaso ng Freedom Island ay nananatiling status quo. (Ulat ni Mike Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended