^

Metro

Sharon di na papasok sa pulitika

-
Tuluyan nang tinalikuran ng megastar na si Sharon Cuneta ang pagpasok sa pulitika sa darating na halalan sa May 2001 matapos magpahayag ang kampo nito na susuportahan na lamang muna ng aktres/singer ang kandidatura ng asawa nitong si Atty. Francis "Kiko" Pangilinan na nakatakda namang tumakbong senador.

"Hindi na siya papasok sa pulitika, tutulungan na lamang niya si Kiko, pero mayroon siyang susuportahan para sa alkalde ng Pasay City, hindi si Peewee (Trinidad), magugulat na lang kayo kung sino ang aakyatan ng entablado ng megastar sa panahon ng eleksiyon," pahayag pa ng malapit na kaanak ng mga Cuneta na di nagpabanggit ng pangalan.

Samantala naniniwala naman si Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad na susuportahan siya ng kanyang inaanak na megastar dahil ayon sa kampo ni Trinidad nangako umano si Ms. Cuneta na susuportahan nito ang kanyang ninong dahil sa utang na loob nang pinagamit ang City Hall para sa burol ng yumaong si ex-mayor Pablo Cuneta.

Subalit ayon naman sa mga Cuneta, wala silang utang na loob dito dahil dapat lamang aniyang iburol ang dating alkalde dahil matagal itong nanilbihan sa nabanggit na lungsod. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CITY HALL

CUNETA

KIKO

LORDETH BONILLA

MS. CUNETA

PABLO CUNETA

PANGILINAN

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

SHARON CUNETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with