^

Metro

Bakla hinoldap ang 'papa'

-
Isang bakla na nag-akalang nakahanap na siya ng "papa" ang naholdap ng inaakala niyang magpapaligaya sa kanya, kahapon ng madaling-araw sa Kamuning, Quezon City.

Sa pahayag ng biktimang si Mar Catulsa, 23, beautician at nakatira sa #53-A Bgy. Piñahan, QC, bandang alas-2 ng madaling-araw kahapon habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng V. Luna st. nang lapitan ito ng isang bagets na lalaki na nagpakilalang Michael.

Niyaya umano ang biktima ng suspek ng "short time" hanggang sa magkasundo ang dalawa na magtungo sa 2nd floor ng isang ginagawang gusali sa nasabing lugar.

Subalit nang akmang nakaluhod na umano ang biktima sa harapan ng suspek ay bigla umanong naglabas ng patalim ang bagets saka tinutukan ang biktima at sapilitang kinuha ang cellphone, alahas at wallet nito.

Walang nagawa ang kawawang bakla kundi ibigay ang kanyang mga gamit saka mabilis na tumakas ang bagets. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ISANG

KAMUNING

MAR CATULSA

NIYAYA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SUBALIT

ULAT

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with