^

Metro

Wanted na Koreano nasakote sa NAIA

-
Nasakote kahapon ng mga ahente ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Korean national na umano’y wanted sa kanilang bansa sa isang multi-million estafa at fraud cases.

Kinilala ni BI Commissioner Rufus Rodriguez ang puganteng si Kim Jung Ho, 47, dating empleyado ng 109-Chrongd Damidong, Kangnam-Gu, Seoul, Korea.

Si Kim Jung ay dumating sa NAIA dakong alas-10:45 ng gabi lulan ng Cathay Pacific flight CX-905 mula sa naturang bansa.

Sa isinagawang beripikasyon, nakumpirma mula sa background records na ipinadala ng Korean Embassy sa Philippine Center on Trans-national Crime (PCTC) na pinaghahanap ito sa kanilang bansa.

Napag-alaman na si Kim Jung ay tumakas sa South Korea noong Disyembre 1999 at nagtungo sa Japan, United States, New Zealand at Hongkong bago nagtuloy sa Pilipinas matapos masangkot sa paglustay ng140 milyon won sa kumpanyang pinaglilingkuran nito.

Agad ding ipinatapon pabalik sa kanilang bansa ang naturang dayuhan makaraang magpalabas ng "exclusion order" ang BI. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CATHAY PACIFIC

CHRONGD DAMIDONG

COMMISSIONER RUFUS RODRIGUEZ

KIM JUNG

KIM JUNG HO

KOREAN EMBASSY

NEW ZEALAND

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE CENTER

SI KIM JUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with