Diskriminasyon sa mga inosenteng Muslim 'wag pairalin
October 11, 2000 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Quezon City Councilor Pinggoy Lagumbay sa mga Katoliko na kilalaning mga kaibigan at hindi kaaway ang mga kapatid na Pilipinong Muslim.
Ayon kay Lagumbay, upang matamo ang pakikipagmabutihan sa hanay ng mga Muslim at Katoliko ay dapat na hindi pinapairal ang diskriminasyon sa mga ito. Dapat umanong isaisip ng mga tao na walang kinalaman ang mga inosenteng kapatid na mga Muslim sa nagaganap na kaguluhan sa Mindanao.
Hinihiling nito sa mga residente ng Quezon City na panatilihin ang magandang ugnayan sa mga kapwa Muslim.
Ang Quezon City ang isa sa mga lugar sa Metro Manila na may pinakamaraming bilang ng residenteng Muslim bukod sa Maynila at Taguig. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest