^

Metro

3 preso nakatakas habang padalo sa hearing

-
Tatlong preso ang nakatakas habang ang mga ito ay dadalo ng hearing sa Makati City Regional Trial Court(RTC), kahapon ng umaga.

Natakasan ng mga detainee na sina Casiano Gordo, 34, binata, ng 243 Pasong Tirad, panulukan ng Onyx streets, Makati City; Reynaldo Cruz, 62, may asawa, kagawad, ng 1761 E-Dunas st., Bgy. La Paz ng nabanggit na lungsod at Ernesto Pacquiao, 39, ng 2264 Severa st., ng nabanggit pa ring barangay, ang nag-iisa nilang escort na nakilalang si PO1 Dennis Fadol, nakatalaga sa Anti-Crime Task Force, District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng Southern Police District (SPD).

Nabatid na nagpaalam ang tatlo kay Fadol na pupunta sa comfort room at iihi ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang mga preso hanggang sa madiskubre ang nasabing pulis na tinakasan na siya ng mga ito. Ang mga nakatakas ay may mga kaso umano ng droga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTI-CRIME TASK FORCE

CASIANO GORDO

DENNIS FADOL

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

ERNESTO PACQUIAO

LA PAZ

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

PASONG TIRAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with