^

Metro

Adopt-A-School program palalawigin

-
Pinag-aaralan ngayon ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports ang pagpapalawig ng programang "Adopt-A-School" program upang magkaroon ng katiyakan ang pagpapatuloy ng programang Nonformal Education Accreditation and Equivalency (NFE A&E) System.

Ayon kay DECS Undersec. for Programs, Projects and Regional Operations Ramon C. Bacani, sa ilalim ng Adopt-A-School, hihikayatin ang ilang pribadong kumpanya, organisasyon at iba pang sektor sa pamamagitan ng pag-aampon ng isang paaralang publiko. Bahagi ng pananagutan ng mga kumpanya at ahensiyang ito ay maglaan ng pondo upang matustusan ang pagsasanay ng mga guro, pagpapagawa at pagsasaayos ng mga silid-aralan, pagbili ng mga karagdagang libro at modernisasyon ng ilang pasilidad sa nasabing paaralan.

Sa panig naman ng programang NFE A&E System, maaaring makatulong ang mga pribadong kumpanya, organisasyon at iba pang sektor sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pagsasanay ng mga Instructional Managers, paghahanda ng mga kagamitan at pasilidad na kailangan sa implementasyon ng programang ito.

Sa ilalim ng NFE A&E System, ang mga mag-aaral na huminto o di nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya o sekondarya ay binibigyan ng pagkakataon na magkamit ng katibayan o sertipiko na katumbas ng diploma. Maari nilang gamitin ang sertipikong ito sa pagpapatala sa mga paaralang kasapi ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) o mga institusyong nakarehistro sa ilalim ng pamamahala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), dagdag pa ni Bacani na siya ring kasalukuyang chairman ng Literacy Coordinating Council. (Ulat ni Rowena Del Prado)

ADOPT-A-SCHOOL

BACANI

E SYSTEM

INSTRUCTIONAL MANAGERS

LITERACY COORDINATING COUNCIL

NONFORMAL EDUCATION ACCREDITATION AND EQUIVALENCY

PHILIPPINE ASSOCIATION OF STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

PROJECTS AND REGIONAL OPERATIONS RAMON C

ROWENA DEL PRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with